ANG LANGGAM
Namataan ang isang langgam na abala
sa paghakot ng mumo ng kanin, na nalikom nya mula sa madungis na hapagkainan ng
isang tabatsoy. Tinatahak nya ang kahabaan ng papag.
Makintab na pula ang langgam. Gaya ng
ibang insekto, binubuo ito ng head, thorax, at abdomen. May anim itong mga
galamay. Kumakawag ang kanyang dalawang antenna. Mayroon itong sipit sa bibig
na ginagamit nyang panipit tiyak sa dala nyang mumo.
Ang pagkakamali lamang ng langgam, ay
hindi nya kinonsidera ang higanteng mama na natutulog ng nakatagilid sa
kaliwang bahagi ng papag.
Gumulong ang higante pakanan para
magpalit ng pwesto. Kinubabawan ang takot na mukha ng langgam ng anino ng pwet
ng mama.
Pagkatagilid sa kanan ng papag ang
mama, nakuhaan ng kamera ang kinahinatnan ng langgam.
Napisat ang langgam.
Nagkahiwa-hiwalay ang head, thorax, at abdomen. Nadurog ang mga galamay.
Kumikislot pa din ang ilang bahagi ng katawan nito.
Ito ang kanyang huling winika bago
man sya malagutan ng hininga:
“Mamamatay akong di man nakita ang maningning na
pagbubukang-liwayway sa aking Inang Bayan! Kayong mga makakakita, batiin nyo
siya – at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!”