Biyernes, Marso 16, 2012

Ang Lihim Ng Sapatos na Pula

           Higit isang taon na rin ang nakalipas ng mabili ang sapatos na pula.. Marami na kaming napag daanan.. Parang naging kakambal ko ang sapatos na binili ko sa Baclaran. Kasama ko siya sa Init at Ulan. Sa tuwing rarampa kami ng mga kaibigan ko sa Malate, tuwing magkakape kami, Ilang bagong pilikula na rin ang napag samahan namin, ilang kabiguan na saya na rin ang aming pinagsamahan kaya naging bahagi na siya ng aking buhay sa loob ng isang taon at anim na buwan.

           Akalain mong sa halagang tatlong daan piso eh nagkaroon ako ng isang matalik na kaibigan.. Isang kaibigan na naging pananga ko sa init ng kalsada, sa putik at baha na dulot ng malakas na ulan. Naging kakampi ko sa bawat araw na suot ko siya.. Sinulit ang bawat araw na lagi ko siyang tapakan ng aking mga paa. Iwan ko kung bakit naging paborito ko siyang gamitin, siguro dahil sa astig nitong dating, sa tingkad ng kanyang kulay na nangingibabaw sa karamihan. Pero dahio siguro naging kasama ko siya sa bawat sikretong kami lang ng aking sapatos na Pula ang nakakaalam, Dahil sa loob ng panahon kasama ko siya ay ganon din ang taong nakilala at nakasalamuha nya. Dahil ganon din ang dami ng lugar na napuntahan nya na minsan sa panaginip ko lang napuntahan.. Na minsan sa aking pagtawa eh nakikisama siya sa aking mga tawa, sa aking mga ngiti. 

            Ilang personalidad na rin ang mga nakilala niya.. Na minsan alam kung nais nya rin mag pakilala nguniut nanahimik lang siya kasama ang aking mga paa.. 
       
            Sa dami ng sikreto ko, siguro ganon din ang mga sikreto nyang nalaman tungkol sa akin.. Sa panahon iyon una kung nagawa ang mga bagay na di ko pa ginawa dati. Siguro na tutuwa siya o nagagalit minsan sa mga bagay na ginagawa ko, o kaya minsan nahihiya na siya para sa akin, ngunit kasama ko pa rin ang aking sapatos na pula. Siguro minsan naging proud din siya sa mga tagumpay na ngyari sa akin


            Pero ang tangi kung masasabi, isa siyang tunay na kaibigan, ang tanging lihim namin ay kami lamang ang nakakaalam, at wala ng makakaalam pa na kahit sinu man.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento