Sabado, Disyembre 31, 2011

2012

“Another fresh new year is here . . .
Another year to live!
To banish worry, doubt, and fear,
To love and laugh and give!

This bright new year is given me
To live each day with zest . . .
To daily grow and try to be
My highest and my best!

I have the opportunity
Once more to right some wrongs,
To pray for peace, to plant a tree,
And sing more joyful songs!”

Martes, Setyembre 20, 2011

Ang talinhaga ng Alon at ng Buhangin sa Dalampasigan:

Isang malakas na alon ang humampas sa mga bato at buhangin sa dalampasigan,
Katumbas ng mga hampas ng mga alon ay ang mahigpit na yakap mula sa kanya, isang mahigpit na paghawak sa aking mga kamay habang tinatanaw ang paglubog ng araw.. Saglit pa'y unti unti ng binabalot ng dilim ang buong paligid, tanging ang mga huni ng mga kulisap ang maririnig at ang hampas ng alon, ang ihip ng malakas na hangin, at ang tanging tanglaw namin ay ang mga bituin at ang mga alitaptap na dumadapo sa mga basang tangkay ng mga punong kahoy sa may pangpang na aming kinatatayuan.. 
Muli'y isang mahigpit na yakap ang kanyang iginawad sa akin, at dama ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata ang nadama ng aking mga balikat, Kay bigat ng kanyang mga luha, waring di ko makaya ang bigat, aninag sa parin kahit na madilim ang paligid ang mga pighati ng aking matalik na kaibigan.. Hindi siya umimik, tanging malalim na buntong hininga lamang ang sukli niya sa aking matalas na pag tanong kung bakit..

Nais niyang lumisan, limutin ang bawat dalamhati na nag daan sa bawat araw. Habang awak ang aking mga kamay isang kataga ang kanyang nasambit.. 

" Narinig mo na ba ang talinhaga ng Alon at ng buhangin sa Dalampasigan?"

Simple lng ang kanyang pagkakasambit, Malalim at una'y di ko maintindihan..

"Hindi ko inaasan ang iyong pagdating, ngunit saglit pay muli ka lumisan, at hindi na nag balik, at saglit pa'y isang alon muli ang lumapit sa akin, at muli ako'y nilisan, paulit- ulit.. wala akong magawa, tanging ganito wari ang tadhana ng isang buhangin sa dalampasigan, may darating at iiwan ka.. paulit ulit, hangang masanay ka sa  ganitong takbo, sa bawat araw paulit ulit..