Miyerkules, Pebrero 8, 2012

Senti

Nakamamatay ang lungkot, hinihigop nito ang mga alaalang hindi ko kayang ibaon sa limot. Ano ang saysay ng mundo ng walang ikaw? Ikaw ang kalahati ng buhay, ang dahilan ng bawat umaga, ang simoy sa tanghaling-tapat, ang saysay ng mga bituin sa gabi, ang sagot sa talinghaga ng buhay. Nasaan ako kung wala ka? Hindi Ako ang sagot sa Sino, hindi Magpakailanman ang sagot sa Hanggang Kailan. Walang katarungan ang pangako ng tadhana, walang bukas dahil nakabilanggo ako sa kahapon, nawala na ako, naglaho ang sarili dahil walang ikaw. Ikaw ang simula. Ito, marahil, ang wakas.

Utak Latak: ni Louie Cano Author Etc

KOREKSIKELS, maraming tekla ang nagkatawang-lupa at naglalakad sa pisngi ng mundo.  Amoy-kabag ang lumalabas sa bibig nila, abo ang katas ng kanilang kukote at tila nga-nga-sabay-kunot-noo ang sagot nila sa lahat ng tanong sa mundo.
            Gaano ba kasimple, umorder ng kape?  Katulad ba ito ng pa-iisplit ng atom o pagmumultiply ng squareroot ng 840 raised to the nth power o kaya’y pagha-hunting sa lamok na nagkakalat ng dengue virus?


            Ako:  Brewed coffee po.
            Barista:  Brewed coffee?
            Ako:  Opo, brewed coffee po.
            Barista:  You ordered for one brewed coffee.  That would be P35.
Inabot ko ang P35.
            Barista:  Thank you for giving me the exact amount.  You ordered for one brewed coffee, I received P35.
            Ako:  Double sugar lang po.
            Barista:  Ilan pong cream?
            Ako:  Grr, double sugar lang po.
            Barista:  Walang cream?
            Ako:  DO..BOL..SHU…GAR…LANG..PO…
            Barista:  Ilang sugar, sir?
            Ako:  GRR…DO..BOL..SHU…GAR…LANG..PO…
            Barista:  Ilan pong cream?  Wala pong cream?  Ilang sugar po?
            Ako:  Grrrrr. Iced tea na lang po.