Biyernes, Hulyo 27, 2012


ANG LANGGAM

Namataan ang isang langgam na abala sa paghakot ng mumo ng kanin, na nalikom nya mula sa madungis na hapagkainan ng isang tabatsoy. Tinatahak nya ang kahabaan ng papag.

Makintab na pula ang langgam. Gaya ng ibang insekto, binubuo ito ng head, thorax, at abdomen. May anim itong mga galamay. Kumakawag ang kanyang dalawang antenna. Mayroon itong sipit sa bibig na ginagamit nyang panipit tiyak sa dala nyang mumo.

Ang pagkakamali lamang ng langgam, ay hindi nya kinonsidera ang higanteng mama na natutulog ng nakatagilid sa kaliwang bahagi ng papag.

Gumulong ang higante pakanan para magpalit ng pwesto. Kinubabawan ang takot na mukha ng langgam ng anino ng pwet ng mama.

Pagkatagilid sa kanan ng papag ang mama, nakuhaan ng kamera ang kinahinatnan ng langgam.

Napisat ang langgam. Nagkahiwa-hiwalay ang head, thorax, at abdomen. Nadurog ang mga galamay. Kumikislot pa din ang ilang bahagi ng katawan nito.

Ito ang kanyang huling winika bago man sya malagutan ng hininga:

“Mamamatay akong di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking Inang Bayan! Kayong mga makakakita, batiin nyo siya – at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento